Sekyu, patay sa kapwa sekyu

PATAY ANG ISANG sekyu nang pagbabarilin ng kasamahan matapos paghinalaan ng suspek na ang biktima ang naging dahilan upang ilipat ng puwesto sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Noel Oliver, 45, ng Area D, Camarin, Caloocan City.

Kusang-loob namang sumuko sa mga pulis si Raul Villafranca, 44, ng General T. De Leon, Valenzuela City.

Sa ulat, alas-7 ng umaga, kinausap ng suspek ang biktima sa binabantayan nilang Orient Plastic Factory sa Sitio Gitna, Kaybiga ng lungsod dahil sa hinala ni Villafranca na si Oliver ang nagsusulsol sa kanilang amo upang mailipat ng puwesto ang una.

Umiwas si Oliver at pumasok sa kanilang barracks subalit sinundan ito ni Villafranca at pinagbabaril.

Matapos ang insidente, dinala ang biktima sa VGH habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.