Sekyu, Patay sa Hit and Run

HINDI NA umabot pa nang buhay ang isang security guard matapos masagasaan sa kanto ng Amang Rodriguez Avenue at Marcos Highway sa Santolan, Pasig City.

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Edwin Cruz ng Pasig City Traffic Police, naka-duty ang biktimang si Alvin Veloria sa isang construction site malapit sa LRT-2 Santolan station.

Niyaya umano ang biktima ng kanyang mga kakilala para mag-inuman sa kabilang kanto.

Naglakad ito sa kahabaan ng Marcos Highway at pagtawid niya sa kanto ng Amang Rodriguez Avenue ay mayroon namang sasakyan na kumanan mula sa Amang Rodriguez kaya ito nahagip.

Samantala, naisugod pa sa Pasig City General Hospital ang sekyu pero idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo matapos mabagok ang ulo nito sa gutter ng center island.

Tinakasan naman ng driver ang biktima pero hiniling na ng Pasig Traffic Police sa command center ng Pasig City ang kopya ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar upang matukoy ang plaka ng naturang sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.