Sekyu, Ninakawan ng Baril

INAALAM PA ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan sa salarin na puwersahang kumuha sa service firearm ng isang guwardya sa Lucban, Quezon.

Ayon kay kay PO2 Ireneo Lusa ng PNP-Lucban, kinilala nito ang biktima na si Jay-Ar Bagayawa, security guard mula sa Paton Security and Investigation Agency Inc.

Base sa salaysay ni Bagayawa, nagbabantay siya sa Shell Gasoline station nang biglang lumapit ang isang mala-king lalaking nakasuot ng maskara at tinutukan siya ng baril hanggsang sa pwersahang hingin ang kaniyang shotgun.

Sinubukan sana ng biktima na manlaban gamit ang kanyang service firearm ngunit nagkataong hindi ito nakakakasa kung kaya sa takot na patayin siya ng salarin ay ibinigay na lamang niya ang armas.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung konektado ang naturang pangyayari sa unang naganap na pagnanakaw ng armas sa isa pang guwardya sa nabanggit na gasolinahan kamakailan lamang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.