Sekyu ng Mall, Kalaboso sa Boga

PATONG-PATONG NA kaso ang kakaharapin ngayon ng isang security guard nang ireklamo ito ng isang engineer ng panunutok ng baril at pagpapaputok ng kanyang service shot gun sa ere sa harap ng Ever Gotesco Grand Central Mall sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang suspek na nakaditine ngayon sa Caloocan City detention cell ay si Eddie Mar Tapulao Cachola, 43, security guard ng Saguitarius Security Agency at naninirahan sa Calantoc, Allala, Cagayan Valley.

Ang nagharap naman ng reklamo laban sa nasabing guwardiya ay si Leonard Calma Gabilo, 56, engineer at residente ng 19th St., Fortune Village, Barangay Parada, Valenzuela City.

Base sa isinagawang im-bestigasyon ni SPO3 Jaime Base, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan PNP at may hawak ng kaso, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng nasabing mall.

Nabatid na papasok si Gabilo sa loob ng nasabing mall para magsagawa umano ng demolition sa nasabing gusali subalit ayaw itong payagang makapasok ng naturang guwardiya.

Nagpumilit ang nasabing enigeer na makapasok sa loob ng mall dahilan upang tutukan ito ng shot gun ng suspek at pagkatapos ay ipinutok ang hawak ng service shot gun sa ere na naging dahilan upang makatawag ng pansin sa publiko.

Nakatawag naman ng pansin sa mga miyembro ng Caloocan City Police ang naganap na insidente kaya mabilis na inaresto ang suspek at agad na dinala sa nasabing himpilan para sa kaukulang imbestigasyon.

Si Cachola ay ipinagharap ng kasong Grave Threat, Coercion at Alarm and Scandal sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.