Sekyu ng Convenience Store, Patay Nang Barilin ng Holdaper

ISANG SECURITY guard ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga holdaper sa isang convenience store, kahapon ng alas-5:55 ng umaga sa kanto ng Quezon Avenue at Scout Reyes.

Ayon kay SPO2 Rogelio Fajati, ng Quezon City Police District (QPCD) Station 10, si Reynaldo Giatao, 30-anyos at taga-Iloilo ang nabaril na sekyu.

Batay sa CCTV footage na napanood ng mga awtoridad, nang-agaw ang mga suspek ng baril mula sa guwardiya ngunit ayaw itong ibigay kung kaya’t napilitan silang pagbabarilin ang biktima.

Pagkatapos dumiretso ang mga suspek sa kaha ng 7-11, kung saan tinangay ang hindi pa matukoy na halaga ng pera.

Hinihinala ring pareho ang suspek na nanloob sa 7-11 convenience store sa Malate, Maynila na ikinamatay ng isang Amerikano.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matugis ang mga holdaper.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.