Sekyu, Natagpuang Patay Malapit sa Binabantayan

PATAY NA nang makita ang isang sekyu habang nakahandusay sa kalsada malapit sa binabantayang establisimiyento sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Gregorio Gualvez, nasa hustong gulang, stay-in sa RBL Compd., sa Virgo Drive St., ng lungsod.

Sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang makita ang biktima na nakahandusay sa C-3 Road ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Wala namang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay nito.

 (MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.