Sekyu nakatulog sa duty, binoga

MAGING BABALA sa mga security guard ang pagtulog habang naka-duty.

Ito ay nang barilin sa ulo ang isang security guard sa gasoline station matapos barilin sa ulo sa Brgy. Binalud, Alimodian, Iloilo.

Ang biktima ay nakilalang si Judel Nuñez, 20-anyos, residente ng Sta. Monica, Oton, Iloilo at empleyado ng Domber Security Agency.

Tinamaan ng bala ang biktima sa ulo at dead on arrival sa Aleosan District Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nakatulog ang biktima at napadaan ang mga suspek at binaril ito sa ulo.

Malakas naman ang hinala ng pulisya na pagnanakaw sa armas ang motibo ng pagpaslang sa biktima habang wala namang nawala sa kagamitan ng biktima gayundin sa gasoline station.           (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.