Sekyu na Bantay-Salakay, Kalaboso

SHOOT SA kulungan ang guwardiya matapos umamin na siyang kumuha ng mga pera sa binabantayang kumpanya sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang sekyu na si Marjhun Yasar, 24 ng Zapote, Bacoor, Cavite.

Nabatid na noong Setyembre 12, 2012, alas-9 ng umaga nang malaman na nabuksan ang vault ng Probikes sa 12th Avenue ng lungsod at nawawala ang P63,671 na nakalagay sa loob.

Kamakalawa ay inamin ng suspek sa kanyang junior branch manager na siya ang kumuha ng pera at ibinalik ang P4,000.

Agad na dinala ang suspek sa presinto at sinampa-han ng kasong Qualified Theft.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.