Sekyu, Kulong sa Tangkang Paghalik sa Dalaga

SWAK SA piitan ang sekyu matapos tangkaing nakawan ng halik ang dalagang papasok sa binabantayang mall ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong Unjust Vexation si Crisol Bequillo, nasa hustong gulang at stay-in sa Victory Mall sa Monumento ng lungsod.

Sa reklamo ni Thea Marie Venturanza, 18, alas-6:30 ng umaga, papasok siya sa Victory Mall nang harangin ng suspek at tinangkang manghalik.

Naitulak ng biktima ang suspek subalit biglang pinitik ng huli ang dalang stick sa braso ng biktima.

Nagsumbong sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang arestuhin ang suspek.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.