Sekyu, kulong sa pagkalkal sa hipag

PIITAN ANG KINAHANTU-NGAN ng isang security guard na umano ay nagtangkang humalay sa kanyang 17-anyos na hipag dahil sa sobrang ka-sabikan sa kanyang asawa na nagtatrabaho sa ibang bansa, sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Humahagulgol na nagsadya sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang ilang kaanak na itinago sa pangalang “Juday”, 17, 4th year student at residente ng PNR Compound, Brgy. 73 ng nasabing lungsod.

Kaagad namang nasakote ng mga pulis at ngayon ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan police ang suspek na nakilalang si si Lord Jake Lojo, 29, security guard at kasama sa bahay ng biktima.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Concerned Desk ng Caloocan-PNP, napag-alamanang dakong ala-una ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kuwarto ng biktima sa naturang lugar.

Base sa pahayag ni Juday, mahimbing umano siyang natutulog sa loob ng kanyang silid nang maalimpungatan nang maramdamang may humihimas sa maseselang parte ng kanyang katawan.

“Pagdilat ng aking mata ay laking gulat ko nang makita si Kuya Jake na siya palang humihimas sa akin!”

Nang mabatid na nagising ang hipag, agad itong niyakap nang mahigpit ng suspek upang hindi makasigaw bago sinabihan na hindi na nito makayanan ang labis na pangu-ngulila sa nag-abroad na misis sabay pahayag na pagbigyan muna siya dahil silang mag-asawa naman ang bumubuhay sa dalagita.

Nagpumiglas ang biktima at nakahawak ng isang matigas na bagay at naipalo nito sa bayaw dahilan upang magawang makawala sa tiyak na kapahamakan at nagmamadaling lumabas ng kuwarto, humingi ng tulong sa ilang mga kapitbahay na tumawag naman ng mga tanod at nagresulta sa pagkakaaresto kay Lojo.

Sa presinto, nabatid na hindi lang ito ang unang beses na minolestiya ng suspek ang biktima na ayon sa huli ay madalas nitong hinihipuan tuwing sila lang dalawa sa bahay, subalit nagtimpi lang ang dalagita dahilan upang tuluyang ikalaboso ang una at sampahan ng kasong Acts of Lasciviousness at paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law).

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.