Sekyu, Kulong sa Paghipo sa Puwet ng Dalagita

 

KULONG ANG isang lasing na sekyu matapos hipuan sa puwet ang dalagitang nag-aabang ng masasakyan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Child Abuse si Rosalino Soledad, 26, ng Celia St., Tinajeros, Malabon City.

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi, nag-aabang ng masasakyan ang biktimang 14-anyos kasama ang nanay sa Monumento Circle ng lungsod nang mula sa likuran ay hawakan ng lasing na suspek ang puwet ng dalagita.

Agad na lumayo ang mag-ina at nang makakita ng pulis ay humingi ng tulong na naging dahilan upang dakpin ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.