Sekyu, Kritikal sa Laslas sa Lalamunan

KRITIKAL ANG isang sekyu matapos laslasin ang lalamunan ng isa sa dalawang lalaki na nasagi ng una habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng laslas sa lalamunan si Carlito Cruz, 56, ng C-4 Road ng lungsod.

Nahaharap naman sa kasong frustrated homicide, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code sina Jessie Moreno, 23 at Richard Lizabio, 23 kapwa ng Letre Road, Tonsuya, Malabon City.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi, naglalakad sa tapat ng gasolinahan ang biktima sa C-4 Road ng lungsod nang masalubong at masagi ang mga suspek.

Nagalit ang mga suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang isa sa mga suspek at laslasin sa lalamunan ang biktima.

Nakita ng mga rumorondang mga tanod ang pangyayari na naging dahilan upang damputin ang mga suspek at dalhin sa MCU ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.