Sekyu, Kalaboso sa Paglabag sa Gun Ban

KASALUKUYANG NAKAPIIT sa Baguio City Jail ang isang security guard na nahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa Comelec gun ban.

Nakilala ang nasabing guwardiya na si Dolfin Law-ing, security guard ng Side Kick Security Agency at residente ng Barangay Holyghost Extension, Baguio City habang ang biktima ay nakilala lamang sa pangalan na Carlo Ilocora.

Sinabi ni P/Insp. Arnold Peralta Caguiao, commander ng Station 3 ng Baguio City Police Office (BCPO) na nakatanggap sila ng tawag tungkol sa panunutok ng baril ng salarin gamit ang a 12-gauge shotgun.

Dahil dito, agad na nagtungo ang mga awtoridad at barangay tanod sa bahay ng suspek at nakuha mula sa bahay nito ang nakatagong baril .

Inamin naman ng sekyu ang ginawa nito sa biktima habang napag-alamang ang ginamit nitong baril ay pag-aari ng security agency at wala itong lisensya.

Samantala, napag-alamang ito ang unang kaso ng paglabag ng Comelec gun ban sa Baguio City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.