Sekyu, Binasag ang Bungo

BRUTAL NA kamatayan ang sinapit ng isang 36-anyos na security guard makaraang basagin ang bao ng ulo ng mga ‘di kilalang salarin na nanloob sa binabantayan nitong paaralan sa Barangay Sta. Isabel, Malolos City, Bulacan kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Jesus Madijanon ng Barangay Matimbo at sekyu ng Dragon Heart Security Services sa Brgy. San Juan.

Sinabi ni PO2 Carlo Romulo Palma na bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa ikalawang palapag ng Holy Infant Academy.

Bukod sa binasag ang bungo ng biktima, binasag din ng mga suspek ang pintuang salamin ng accounting department at opisina ng principal.

Samantala, natagpuan naman ang cal. 38 revolver ng biktima kung saan inaalam pa ng mga kinauukulan ang mga gamit at malaking halaga na tinangay ng mga salarin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Sekyu, Binasag ang Bungo

Leave a Reply

Your email address will not be published.