Seksing tv host-model, ‘nagwawala’ sa sosyal na bar!

ISANG TV HOST-MODEL ang seksing-seksi ‘pag nasa harap ng kamera. Pero ang nakakalokah, ‘pag gumigimik pala ito ay kakaiba.
Alam n’yo ba kung paano?
‘Pag sa sosyal na bar, aba, ang lola n’yo ay nagsasayaw sa ledge. Bigay na bigay. Kung sanay ka nga raw sa bar, itatanong mo sa sarili mo ‘pag nakita mo siya kung, “Ano kaya ang tinira ng babaeng ito at tila wala sa sarili?”
Ang giliw-giliw raw sa mga nakikilala sa disco. ‘Yun pala naman daw, ang TV host-model ay laklakera ng Party Pill o ‘yung tinatawag na Ecstacy.
Minsan, me common friend kami na nagtsikang, “Nakakahiya siya sabar. ‘Pag naka-Party Pill siya, ang harot-harot. To a point na nakikipaglaplapan na siya sa mga guys sa bar.
“Eh, maganda pa naman ang hitad, ‘di ba? Hindi na siyempre choosy pa ang kalaplapan niyang lalaki. Sasamantalahin nila talaga ang kabangagan niya sa E!”
Hay, naku, sana ay iniingatan ng female personality ang kanyang image na ipino-project sa TV. Kasi, baka mahuli siya ng kamera.
Kung hindi siya ma-XXX, baka ma-TV Patrol naman siya, sige siya!

(By Ogie Diaz)

 

loading...

15 thoughts on “Seksing tv host-model, ‘nagwawala’ sa sosyal na bar!

Leave a Reply

Your email address will not be published.