SEKSING AKTRES, MAY MAIITIM NA

SIKRETO SA MGA SINGIT NG NGIPIN!

SIPAT: MASAMA raw ang LOOB ni POKWANG. HINDI siya KASAMA sa BAGONG SHOW ng KAPAMILYA.

EKLAT: HUWAG lang MASYADONG SISIMANGOT… BAKA PUMANGIT!

SIPAT: SAWA na SIGURO ang TAO sa MUKHA ni POKWANG…

EKLAT: Kaya si MELAI CANTIVEROS naman ang KINUHA!

SIPAT: TIYAK na PANONOORIN ni WILLIE REVILLAME ang BAGONG SHOW ng DOS. Pustahan!

EKLAT: Para may BANATAN siya KINAGABIHAN!

SIPAT: MAGING MASAYA na lang SANA si WILLIE sa mga KAIBIGAN niya.

EKLAT: LIFE is MUCH SHORTER when YOU REACHED 50!

SIPAT: Good News: PUMASOK na sa REHAB si BARON GEISLER!

EKLAT: Bad News: LALABAS din, eh.

SIPAT: Good News: May GAGAWIN AGAD na PELIKULA si BARON PAGLABAS niya ng REHAB!

EKLAT: Bad News: WALANG LEADING LADIES, e.

SIPAT: Nag-IIPON na raw si CRISTINE REYES para sa PAGPAPAKASAL nila ni RAYVER CRUZ?

EKLAT: Mag-IPON ka na rin RAYVER! Mas MAHAL ang ANNULMENT!

SIPAT: KASALAN na AGAD? Ang BABATA pa nila, huh!

EKLAT: Kaya ENJOY na lang sa HONEYMOON muna!

SIPAT: PANALO na naman sa TV RATINGS ang GMA NETWORK!

EKLAT: Sey ng PR nila.

SIPAT: MAGAGANDA naman ang TV PROGRAMS ng KAPUSO, in fairness.

EKLAT: Sa mga WALANG CABLE CHANNELS!

SIPAT: May MAJOR RE-PROGRAMMING din sa ABS-CBN.

EKLAT: DAMING TALENTS tuloy ang KAKABA-KABA!

SIPAT: ‘TIYAK na MAWAWALA ang PANTASYA ng mga BARAKO sa SEKSING AKTRES na ito,’ sey ng ating MAHADERA. ‘May MAIITIM kasing kung ANO sa SINGIT-SINGIT ng NGIPIN niya!’

EKLAT: ‘Pero tiyak namang DEDEDMAHIN ‘yan ng mga BARAKONG TYPE na TYPE siya. Lalo na ‘pag NALASING na sila ng ALAK na GUSTUNG-GUSTO niya!’ Ang tila CLUE pa ng ating MAHADERA!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “SEKSING AKTRES, MAY MAIITIM NA

Leave a Reply

Your email address will not be published.