Blind Item: SEKSING AKTRES-HOST AT BATANG MAMBABATAS, SA ‘A(H1N1) COUNTRY’ NAGLALANDIAN!

KAHIT PA NGA mayroong A(H1N1) scare sa isang Asian country, ito pa rin daw ang madalas na puntahan ng sexy actress-host na ito kasama ang isang mambabatas.

Yes, du’n nga nila madalas na pagsaluhan ang kanilang matatawag na bawal na pag-ibig dahil siyempre may sabit ang isa sa kanila.

Bata pa ang mambabatas na ito at kilala ang angkan niya sa pulitika. Kilala din naman si sexy actress-host pero ang alam ng marami ay committed siya sa isang singer-actor.

May mga detalyeng ibinigay sa amin ang aming source hinggil sa huling pagtatagpo ng dalawa, pero sa susunod na kabanata na namin ito ikukuwento.

Exciting kasing gawing series ang mga nakalolokang eksena sa kanila lalo pa’t may mga kapwa Pinoy tayo roon na nakasasaksi sa mga kalandian nila! Hala!

by Ambet Nabus

loading...

3 thoughts on “Blind Item: SEKSING AKTRES-HOST AT BATANG MAMBABATAS, SA ‘A(H1N1) COUNTRY’ NAGLALANDIAN!

    • matagal na ‘to. nasa vegas nga sila nung pinapanganak yung 1st child ni mikey. w/ butler and bodyguards pa sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.