Seksing aktres, ayaw abusuhin ang lover na pulitikong may sabit! – Ronnie Carrasco

THINGS DO NOT necessarily have to be hard.

Tulad na lang ng buong-pusong pagtanggap ni Eagle Riggs after he lost his job with GMA-7. Trabaho ang nawala sa kanya, never his career much less his passion for it.

At dahil hindi kailangang maging masalimuot ang mga bagay sa buhay, nagsimula nang i-host ni Eagle ang programang Easy Lang ‘Yan, a 30-minute no-nonsense show of learning things the easy way.

Mapapanood tuwing Biyernes, ganap na alas-kuwatro y medya on UFC Channel 37 (Channel 30 on Home and Sky Cable), Easy Lang ‘Yan is yet another start of bigger things to come.

KUNG MAY ILAN na hindi sumeseryoso kay Bro. Arman Cuban, magkaalaman na raw sa kanyang prediksiyon na nagkatotoo. To begin with, sino ba siya? Is he a spiritual adviser from Havana, Cuba?

No, isa siyang manghuhula, a practicing fortune-teller who believes he should be credited for his recent prediction na isang taga-Malacañang ang matsutsugi, at ito nga’y si Ginoong Cerge Remonde.

Siyempre, nais nating malaman kung ano ang magiging kaganapan sa showbiz, kaya heto’t nag-isyu siya ng babala. Isa umanong beteranang aktres ang sasakabilang-buhay this 2010, pero hindi nilinaw ni Bro. Arman kung sa sakit ba o sa disgrasya ito yayao.

Tulad ng ibang mga manghuhula, ang mabisang paraan siyempre upang magkatotoo ang mga prediksiyon ay ang pag-aalay ng panalangin nang bonggang-bongga.

MAY KASABIHANG “SILENT water runs deep.” Angkop ito sa pananahimik lately (that is, in terms of publicity) ni Aiko Melendez, at maaaring nakaaalarma ito sa kanyang mga katunggali sa pulitika.

While her opponents in the vice mayoral race in Quezon City have become like empty tin cans strewn together at the back of a speeding tricycle, tahimik lang si Aiko, waiting for the right time to create her version of political noise that reverberates in the city.

Maaaring isa itong istratehiya niya based on her showbiz orientation of timely publicity blitzes. And before her constituents know it, bang! Bam! Wham!

NAKABIBILIB ANG PRINSIPYO ng isang seksing aktres na nauugnay sa isang may sabit na pulitiko. People close to her have but one practical advice to her: harbatan na niya nang harbatan ang kanyang dyowa!

After all, in no time at all ay bababa na sa puwesto ang kanyang nobyo, she might as well ask for the moon and the stars before her dyowa vanishes in the political universe.

Sey niya: “Ayoko nga, baka magalit si (pangalan ng sexy comedienne na lumalabas na “bilas” niya).”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Seksing aktres, ayaw abusuhin ang lover na pulitikong may sabit! – Ronnie Carrasco

  1. si ruffa mae quinto ba yung blind item ? kasi di ba aalis na yung dyowa nyang si mikey arroyo dahil ang lalaban na ay yung ina sa pagka congresswoman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.