Seguridad sa SM Megamall, Hinigpitan

LALO PANG naghigpit ng seguridad ang pamunuan ng SM Megamall kasunod ng naganap na pag-atake ng limang kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Martilyo Gang sa isang jewelry store sa loob ng mall kamakalawa ng gabi.

Mapapansin ang mga nagkalat na security guard maging sa mga kalye sa palibot ng naturang mall.

Mahahaba rin ang pila ng mga gustong pumasok sa loob ng shooping mall dahil sa mas mabusising imbestigasyon sa mga mall goer at mga dala nila.

Samantala, hindi pa matukoy kung magkano ang halaga ng mga alahas na natangay ng mga salarin dahil hindi pa nagsusumite sa Mandaluyong Police ang may-ari ng jewelry store.

Hinihintay na rin ng Mandaluyong City Police ang kopya ng kuha ng closed circuit television (CCTV) camera ng mall para makuha pa ang mukha ng tatlo pang kawatan dahil dalawa lamang ang may malinaw na mukha sa mga magnanakaw.

Kasalukuyan na ring tinitingnan ng mga awtoridad sa mga rogue gallery kung tutugma ba ang dalawang larawan ng suspek sa mga larawan ng mga miyembro ng Martilyo Gang.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.