Seguridad sa Simbang Gabi, Inilalatag na ng PNP

MAS PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon, partikular ang kanilang anti-criminality campaign at public safety services ngayong Kapaskuhan.

Ipinag-utos ni PNP chief, Director General Nicanor Bartolome sa lahat ng mga tauhan na paigtingin ang pagpapatrolya sa mga simbahan dahil sa nalalapit na pagsisimula ng Simbang Gabi.

Bukod dito, pinababantayan din ni Bartolome ang mga mall, tourist spots, vacation hubs,  seaport, bus terminals at paliparan.

Sinabi ni Bartolome na bukod sa 140,000 na pulis , tutulong sa pagbibigay seguridad ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at iba pang accredited non-governmental organizations at radio groups.

“Titiyakin ng PNP na magiging ligtas ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa buong bansa kaya’t pinaigting namin ang lahat ng police operations at gagamitin ang lahat ng resources at manpower upang matiyak na mapayapa at masaya ang holiday season,” saad ni Bartolome.

Sinabi ng heneral na nasa heightened alert ang mga tauhan ng pulisya sa Cordillera, National Capital Region, national headquarters at national support units habang nasa full alert status ang mga pulis sa Regions 9, 10, 11, 12, 13, ARMM gayundin ang mga miyembro ng Special Action Force.

Binigyang-diin ni Bartolome na tatagal hanggang Enero sa susunod na taon ang kanilang pinaigting na police operations upang malabanan ang mga lawless elements at mga kriminal.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.