Seguridad sa mga malls, main topic sa PNP meeting

NAGKAROON NG PAGPUPULONG ang Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) ng Philippine National Police (PNP) at ang mga may-ari ng mga private security agencies, kaugnay sa sunud-sunod na insidente ng mall shooting, kahapon.

Kabilang sa tinalakay sa nasabing pulong ay kung paano mapapaigting ang mga seguridad sa mga pampublikong lugar, gaya ng shopping malls, hotels, at maging sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), ayon kay SOSIA Deputy Chief, S/Supt. Buenaventura Viray.

Ang PNP-SOSIA ay ng sangay ng pambansang pulisya na may hawak sa mga security agencies sa bansa.

Nanawagan na rin ang Malacañang sa management at security agencies ng mga shopping centers na maging mahigpit sa pagpapatupad ng seguridad sa loob ng kanilang establisimyento.

Inirekomenda rin ng PNP ang pagsasailalim sa refresher courses ng mga guwardiya ng SM mall sa Pampanga kasunod ng pinakahuling insidente ng pamamaril na ikinasawi ng 13-anyos na suspek at 16-anyos na biktima nito kamakailan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.