Seguridad sa E-Mail at Online Transaction, Tiniyak ng Gobyerno

SINIGURO NG pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Science and Technology (DOST) – Information and Communications Technology Office (ICTO) na magiging ligtas na ang mga e-mail at online transaction ng gobyerno sa kanilang pagpapakilala ng Public Key Infrastructure (PKI).

Kasabay sa pagdiriwang ng ICT month ang paglulungsad ng Integrated Government Philippines Projects (iGovPhil) ng nasabing ahensiya kung saan kabilang ang nasabing proyekto.

Layunin nito na tiyaking ligtas ang mga e-mail at online transaction laban sa banta ng hacking at kabilang din ito sa ibang aplikasyon gaya ng payment gateway system, national archives and records management information system (NARMIS), at Government wide email system (GovMail).

Ayon kay Rene Mendoza, head ng PKI team, gagamit sila ng secure communication at encryption.

May pangamba na dahil digital signed ang mga certificate, matitiyak namang ito ay authentic at hindi mata-tamper in transit. Isang mahalagang bagay ang data security sa mga transaksiyon ng pamahalaan na maaaring maapektuhan nito ang serbisyo publiko.

Paglaon ayon sa DOST-ICTO, ang nasabing mga digital certificate nila ay maaaring magamit sa lalabas na mga universal multi purpose ID (UMID) kabilang ang SSS, Pag Ibig, PhilHealth atbp.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.