Seguridad ng mga Guro sa Zamboanga, Hihigpitan Laban sa Banta ng Kidnapping

MATAPOS ANG nabi-gong pagdukot sa tatlong guro ng isang paaralan sa Barangay Limaong, sa lungsod noon lamang nakaraang linggo, pangu-ngunahan ng militar ang paghihigpit ng seguridad partikular sa mga island barangay at iba pang malalayong paaralan sa nasabing lungsod para mapigilan ang tumitinding banta ng kidnapping sa mga guro na sa mga lugar na ito.

Ayon sa pahayag ni Task Force Zamboanga Commander Army Col. Buenaventura Pascual, kamakailan, nakipagpulong na siya sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) sa lungsod kung saan pinag-usapan nila ang mga bagay na dapat gawin para mapigilan ang mga masasamang loob na biktimahin ang mga guro na pumupunta sa mga malalayong barangay ng lungsod upang makapagturo sa kanilang mga mag-aaral.

Ang nangyaring insidente noong nakaraang linggo, kung saan may mga armadong lalaki ang pilit na dudukutin ang tatlong mga guro, ay isang palatandaan na tinatarget na naman ng mga kidnapper ang mga ito, ani pa ni Pascual.

Matatandaang sa nakaraang mga taon, naging matinding takot para sa mga guro sa nabanggit na  lungsod ang banta ng kidnapping dahil na rin sa ilang mga kasamahan nila ang dinukot ng mga armadong grupo.

Siniguro ng opisyal na sapat ang seguridad na ibinibigay ng kanyang mga tauhan sa mga malalayong eskuwelahan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga kinauukulan sa mga opisyal ng mga barangay para maging alerto sa kani-kanilang mga lugar at makipagtulungan din sa awtoridad at militar para mapigilan ang anumang masamang banta laban sa mga guro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.