Sef Cadayona & Yassi Pressman: Groovy Kind of Love!

Sef-Cadayona-Yassi-PressmanSEF CADAYONA
Real Name: John Paul Joseph Cadayona
Birthdate: March 3, 1989
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

YASSI PRESSMAN
Real Name: Yasmin Isabel Pressman
Birthdate: May 11, 1995
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
NAMI-MISS N’YO na ba ang mga pelikula noong dekada ’90, kung saan humahataw nang bongga ang mga bida? Best example dyan ang Hataw Na! nina Gary Valenciano at Dayanara Torres. Nand’yan din ang mga pelikulang pinagbidahan ng Street Boys at Universal Motion Dancers o UMD. Hindi lang sila gumiling at umarte. Pinaibig din nila ang mga fans sa nakakabit na love story angle kaya pumatok ang mga ito sa takilya!
Ang Kaleidoscope World ay isang dance-romance film na kalahok sa Metro Manila Film Festival. Bida rito ang Kapuso young stars na sina Sef Cadayona at Yassi Pressman, na magnobyo rin sa totoong buhay! Parehong visible sa Siyete ang dalawa, pero ngayon lang sila nabigyan ng lead role.
Ngayon na kumpirmadong mag-on nga sina Sef at Yassi, magtuluy-tuloy naman kaya ang indak ng pag-ibig sa totoong buhay? Bolang Kristal, paki-explain. Lab yu!
Ang Taurus at Pisces ay parehong malawak ang pang-uunawa, laid-back ang personality at may disposisyon sa buhay. Gusto nila na swabe lang ang daloy ng mga relasyon nila mapa-pamilya man, kaibigan o kasintahan. Ang Toro ay maiinlab sa pagiging malambing, mabait at pakikiramay sa iba’t ibang tunguhin ng Isda. Sa kabilang banda, ang Isda naman ay mabibilib sa katapangan, lakas at kahusayan ng Toro.

Dumako naman tayo sa kanilang pagkakaiba: Mas tipo ng Taurus ang simpleng pamumuhay, samantalang magara naman ang peg ng Pisces. Masyadong maraming gustong gawin ang Pisces na umaabot sa puntong nawawala ito sa pokus, samantalang naniniwala naman sa ‘one step at a time’ na kasabihan ang Taurus. Kahit pa ganito ang kanilang pagkakasalungat, masasabi naman na compatible pa rin ang dalawa dahil ang pagiging praktikal ng Taurus ang puwedeng dumisiplina sa paiba-ibang timpla ng Pisces.

Sa totoo lang, bongga ang tambalang ito! Isa ito sa magkapares na malaki ang potensiyal na mauwi sa kasalan (at hindi lang sa pelikula, huh?!). Mutual ang kanilang passion at susuportahan nila ang isa’t isa no matter what. Pareho rin silang romantic kaya walang magiging problema kung labing-labing time ang pag-uusapan. Ipararamdam ni lalaki na siya ang tunay na ‘knight in shining armor’ at parang prinsesa lang sa isang happily ever after ending na fairy tale ang peg ni ateng

On the right track pala pagdating sa love itong sina Sef at Yassi! Bongga na nga sa karir, bongga rin sa love life! No explanations needed, ok? Lab yu!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.