Sef Cadayona, type makalaplapan sina Coco Martin at Sid Lucero!

HINDI RAW MAIWASANG mainis at uminit ang ulo minsan ng isa sa cast ng Time of My Life na si Sef Cadayona kapag may mga lalaking nang-iinis sa kanya at nagpaparinig na bakla siya, dahil na rin sa role niyang ginagampanan sa nasabing danserye bilang si Harry na ba-ding na kaibigan ni Shane na ginagampanan ni Kris Bernal.

Tsika ni Sef, natutuwa rin siya dahil ibig sabihin ay effective ang kanyang acting. Pero hindi raw niya maiwasang mairita kung paulit-ulit na lang ang ganitong klaseng tanong, lalo na kung halatang nang-iinis lang.

Sa ngayon daw, walang balak na huminto sa pagbabading sa telebisyon o maging sa pelikula man si Sef. Hangga’t may offer sa kanya na magbakla sa TV o movie, tatanggapin daw ito ni Sef dahil trabaho raw ang hanap nito kaya nag-artista, kaya wala siyang balak tumanggi at go go lang sa lahat ng trabahong dumating sa kanya .

Willing din daw gumawa ng gay film si Sef na may temang hubaran at umaatikabong halikan sa kapwa lalaki, kung pang-award daw ang script, award-winning ang director at kung ang makakalaplapan niya ay isa kina Coco Martin at Sid Lucero, na parehong dumaan sa ganong klaseng pelikula at ngayon ay dalawa sa itinuturing na pinakamahusay na aktor sa bansa.

Alam daw kasi ni Sef na marami siyang matututunan kina Sid at Coco pagdating sa pag-arte, kaya naman daw kung makikipag-lovemaking na rin lang siya sa isang pelikula, ang dalawang ito ang gusto niyang maka-eksena sa kama. ‘Yun na!

 

KUNG MAY ISANG bagay raw na gustong magkatotoo sa ilang wish ni Kuya German Moreno sa kanyang katatapos na kaarawan last Nov. 4, ang magkaroon ng good health para magawa pa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin.

Katulad ng pagtulong sa mga kabataang nagnanais mag-artista na siyang sinimulan ni Kuya Germs sa That’s Entertainment at nga-yon ay sa kanyang show na Walang Tulugan with the Master Showman, na nagbibigay ng tsansang makapag-perform ang mga baguhang may talentong sumayaw, kumanta at mag-host.

Wish din daw ni Kuya Germs na mabigyan siya ng GMA-7 ng pagkakataong mapasama sa mga drama soap ng Kapuso Network, dahil namimiss na nito ang pag-arte. Tsika nga ni Kuya Germs na sa pag-arte siya unang nakilala at nagsimula bago naging pamosong host, kaya naman daw ito ang bagay na gustung-gusto niyang balikan ngayon.

 

HAPPY TO BE single daw ang batikang artista at isa sa cast ng inaabangang afternoon soap ng GMA-7, ang Ikaw Lang ang Mamahalin, na si Sheryl Cruz. Medyo matagal-tagal na rin daw siyang single at nae-enjoy niya raw ito nang husto.

Aminado naman daw si Sheryl na marami ang nanliligaw sa kanya, pero ayaw na raw nitong madapa muli katulad ng nangyari sa kanyang first marriage. If ever daw na papasok siyang muli sa pakikipagrelasyon, sisiguraduhin niyang ito na ang huling lalaki na siyang makakasama niya habambuhay at hindi niya pa ito natatagpuan ngayon.

Gusto raw kasi ni Sheryl ang isang lalaking tatanggapin kung ano ang kanyang past at mamahalin ang kanyang anak na si Ashley at aariing isang tunay na anak. Kapag may ganitong qualifications daw ang lalaki, ito na raw ang hinahanap niyang lalaki sa kanyang buhay.

Sa ngayon daw, ang kanyang anak na si Ashey ang kanyang buhay at pag-ibig. Ang future daw nito ang kanyang iniisip kaya naman daw no time siya sa mga lalaking umaaligid-aligid sa kanya. Mas gusto raw nitong mag-focus sa trabaho  at saka na ang buhay-pag-ibig.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Sef Cadayona, type makalaplapan sina Coco Martin at Sid Lucero!

Leave a Reply

Your email address will not be published.