Sef Cadayona, thankful sa mga bading

Sef-CadayonaMALAKI RAW ang dapat ipagpasalamat ng mahusay na young comedian na si Sef Cadayona sa mga bading, dahil ang pagbabading daw niya ang nagbigay sa kanya ng Award sa Golden Screen Awards for Best Supporting Actor in a Comedy Role (Bubble Gang).

Tsika nga nito, “Happy nga ako kasi sa pagbading-bading ko, nanalo ako ng award, three years going to four years pa lang ako. Kaya nga very thankful ako sa pagbabakla-bakla ko sa telebisyon, kasi siya ‘yung nagbigay sa akin ng award. Kung ‘di ko siya sinubukan at ‘di ako nag-focus du’n, baka hanggang ngayon hindi ko pa alam ang lugar ko sa showbiz. At baka wala pa akong award ngayon. Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA 7 na nagtiwala sa akin na bigyan ako ng role na bading.

“Pero nangangarap din ako na mabigyan ng Best Actor in a Comedy Role. Pero alam kong matagal-tagal pa ‘yun, dahil masyado pa akong bubot pagdating sa pagkokomedya. Dream ko rin na sana mabigyan ako ng lead sa comedy family-oriented show, ‘yung show na may kapupulutang aral ‘yung mga manonood.”

Gusto rin daw nitong subukan ang drama. “Gusto ko ring mag-drama kasi alam ko, kayang-kaya ko rin ‘yun. Kasi sa pagkokomedya nga sobrang hirap dahil kailangan alam mo ang tamang timpla dahil ‘pag hindi, flop at walang tatawa sa ‘yo. ‘Pag drama, iisipin mo lang ‘yung mga malulungkot na bahagi ng buhay mo, madadala ka na.”

“‘Yun eh, kung mabibigyan lang naman ako. Malay natin, mabigyan din ako ng Best Actor in a Drama. Hahaha! O kaya puwedeng Best Actor in a Drama/Comedy, ang saya nu’n. Hahaha!” pagtatapos ni Sef.

John Nite, may sarili nang segment sa Walang Tulugan

 

“VERY THANKFUL talaga ako sa mga taong bumubuo ng WTWTMS. Kasi sa tagal ko sa show, nabigyan na rin ako at last ng sarili kong segment. Hahaha!” Ito ang naging pahayag ng Walang Tulugan With The Master Showman co-host na si Mr. John Nite.

Ilang taon na raw kasi siya sa nasabing show bilang co-host pero ngayon lang siya nabigyan ng magandang break at ito ay ang pagkakaroon ng very educational and entertaining segment na “John Ka Na Naman!”

Ito raw ang bagong dagdag na segment sa said midnight variety show sa pagbabagong-bihis nito na talaga namang inaabangan ng mga manonood ‘di lang sa Pilipinas , kung hind imaging sa ibang bansa kung saan number 1 ang show na ito ni Kuya Germs Moreno.

Boobsie Busy as a Bee

 

RAKET TO the Max ang peg ngayon ng isa sa  most sought-after stand-up comedian na si Boobsie Wonderland dahil kaliwa’t kanan ang tanggap nitong raket ngayong summer. At ilan nga rito ay ang show nito sa May 2 sa Comedy Bar Baguio; May 3, Abucay, Bataan; May 6, Naguilian, La Union; May 9, Bayview Park Hotel, Malate; May 11, Norzagaray, Bulacan; May 13, Biliran, Leyte; May 22-25, Philtrade Center; at May 31, Puerto Prinsesa, Palawan.

Regular din itong napapanood every Tuesday and Thursday sa Klownz Quezon Avenue; Wednesday sa Zirkoh Tomas Morato; Friday sa The Library Malate, Manila; at tuwing Sabado naman sa Joke Time, Pasay at Sitcom, Las Piñas.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Sef Cadayona, thankful sa mga bading

  1. nyahahahhaha mga kapamilya KUPS,,,hahaha sino itong Hunk aktor ninyo ang daig ang pa ang babae kung mag bibit ng kanyang make-up kit sa kanyang mga shooting o taping hahahah abay..yung likuran ng Tsikot niya halos mapuno ng kung ano anong anik anik, na karamihan ay make up at kung ano ano pang gamit pang babae at matindi hindi basta basta ang brand mamahalin lalo na yung mga Foundation na ginagamit niya hahahaha at ayaw magpahiram ang bakla minsan may gustong humiram ng ng Lipstick at sponge sa kanya abay ang baklita inismiran at sinabing..sorry hindi ako nagpapahiram ng gamit ko” he he napahiya tuloy yung; girls’ samantalang kasabayan niya yun noong nagsisimula palang sila,,ay kawawang Erich hahahaha itago na lang natin siya sa pangalang Enchong Deekla hahahahah kaya tuwang tuwa ang mga make-up artist ng katol pag nandiyan na siya he he dahil mababawasan ang trabaho nila,,kasi nga naman si Enchong mismo ang nag aayos ng FEz niya inaabot ng isang oras ang baklita sa Dressing room pa lang..hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.