Security plans para sa ‘long weekend’, kasado na

MAGTATALAGA NG 5,000 police personnel ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magbabantay sa seguridad ng Metro Manila ngayong nalalapit na long weekend.

Ayon kay NCRPO spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, ang nasabing deployment ay bahagi ng kanilang security plan kasabay ng inaasahang pagtungo ng maraming kababayan sa mga semen-teryo bilang paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Days.

Tiniyak din ni Carlos na tututukan ng mga kinauukulan ang mga vital facilities kagaya ng mga tanggapan ng gobyerno at mga terminals, airports at seaports.

Inalerto na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng regional directors nito para paghandaan ang maraming bakasyonista na magtutungo sa kani-kanilang mga lalawigan.

“Considering the volume of people travelling to and from their respective provinces during this period, the exposure of people to various hazards can contribute to increased vulnerability to either human-induced or natural disasters,” ayon sa NDRRMC. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.