Security Personnel ng Kuwait Envoy, Dakip sa Pagdadala ng Baril

ARESTADO ANG isang security personnel ng ambassador ng Kuwait dahil sa pagdadala ng baril sa harap ng umiiral na Election Gun Ban.

Kinilala ng Makati City Police ang salarin na si Noel Aspa, 31-anyos at protective agent ng Accuria Executive Protection and Detective Services.

Sinabi ni Col. Manuel Lucban, hepe ng Makati City Police na naharang ng mga security guard ng Greenbelt 5 si Aspa dahil sa pagdadala ng .9mm na baril at kargado ng 15 bala.

Kasama umano ni Aspa ang ambassador ngunit naunang pumasok ang huli dahil may ka-meeting ito.

Hiniling ng mga sekyu ng mall na ideposito ni Aspa ang kanyang baril ngunit tumanggi siya. Dito na siya hinarang at hinanapan ng papeles.

Samantala, sinabi pa ng Makati Police na walang maipakitang exemption sa gun ban si Aspa. Nakasuot din dapat ito ng ID.

Sa ngayon, sasampahan ng kasong paglabag sa Election Gun Ban ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.