Security Officer, Natagpuang Patay

NATAGPUANG PATAY ang isang security officer sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Hermogenes Capili ng QCPD Crime Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktimang si Nasrudin Saig, 28-anyos.

Naka-posas pa ang kaliwang kamay ni Saig nang matagpuan ng mga kinauukulan.

Nagtamo naman ng tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ng biktima.

Samantala, isa sa sinisilip na anggulo sa pagpatay ay away sa pag-ibig o love triangle.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.