Security escort ng mga pulitiko, binawi ng PNP

BINAWI NA ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhang nagsisilbing security escort ng mga pulitiko bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na 2013 midterm elections.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na kai-langan na lahat ng approval ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga pulis na magsisilbing security escorts ng mga pulitiko.

Kailangan aniyang magsumite ng request ang mga pulitiko na gustong mabigyan ng police escort.

Nasa liderato naman ng PNP at Comelec kung aaprubahan ang request at kung ilan ang pahihintulutan.

Limitado lamang sa isa hanggang tatlong pulis ang itatalagang security escort base na rin sa posibleng banta sa buhay ng pulitiko.

Tinipon naman ang mga ni-recall na pulis sa Kampo Crame para sa instructions kaugnay nito.

Samantala, sa Enero 13 na magsisimula ang election period kasabay ng implementasyon ng gun ban sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.