SECURED ANG RELASYON: Tom Rodriguez, kampante na hindi pagseselosan ni Carla Abellana sina Lovi at Erich

Tom Rodriguez

SA GRAND MEDIA conference ng pelikulang The Significant Other, wala pang definite na plans si Tom Rodriguez kung ano ang kaganapan sa darating na Wednesday, February 14 sa kanila ng girlfriend na si Carla Abellana.

Sa Valentine’s Day, hindi magkakasama sina Tom at Carla dahil nasa Dubai ang dalaga for a show.

“Baka advance Valentine’s date na lang,” kuwento ng binata sa umpukan ng mga writers na nagiinterbyu sa kanya yesterday.

Pero may pahabol si Tom: ”Babawi na lang kami. On Valentine’s Day may work siya,”  

Timing din marahil na “break” muna sila ng girlfriend at wala rito ang dalaga dahil magiging super busy si Tom sa promotion ng movie nila nina Lovi Poe at Erich Gonzalez, kung saan he plays the solo male lead sa pelikulang love triangle na ayon sa pagkakakuwento sa amin, super sexy ang mga eksena ng binata sa dalawang sexy actresses.

Lovi Poe, Erich Gonzales and Tom Rodriguez

“Pero mas super sexy ang scene nila ni Lovi. Bigay todo. Di ba may super pumping scene pa si Lovi kay Tom na kinabayo niya?” natatawangkuwento sa amin ni Francis Simeon na nakapanood na ng rushes ng pelikula scheduled for February 21.

Dahil sa sobrang kaseksihan ng pelikula, hindi kaya mag-react si Carla sa mga eksena?

“She know that it’s work. Artista din kasi siya,” paliwanag ng binata.

Sa preem ng pelikula, magiging date kaya niya ang girlfriend?

“Alam naman niyang this is just part of our job as actors. I don’t really mind.”

Ang pelikula ay sinulat ni Eric Ramos at produced ng CINEKO Productions.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.