Secure na raw sa pagmamahal ni Dingdong Dantes Marian Rivera, tumigil na sa pagseselos!

NAA-ADDICT NA naman ako sa Walang Hanggan, ‘Day! Gumaganda na kasi ang kuwento at bilib ako sa mga artista, ang gagaling nilang lahat!

Kasali pa kasi riyan si Dawn Zulueta na isa sa mga paborito ko. Pagkatapos, si Coco Martin na nagustuhan ko na nu’n sa Minsan Lang Kita Iibigin, lalo ko pa siyang nagustuhan ngayon dito sa Walang Hanggan. Parang lalo pa siyang gumwapo ngayon kaya naloloka na ko dito, kaya nali-late na naman ang tulog ko.

Sabi ko nga sa mga bading, ano pa kaya ‘pag mag-partner sa pelikula sina Coco at Sarah Geronimo, eh ‘di lalo ko siyang mataypan!

Alam n’yo namang si Sarah ang pinaka-type ko sa lahat, tapos kung magsama pa sila ni Coco, maloloka na ako, ‘Day!

In fairness, ang ganda rin ng role dito ni Paulo Avelino at nag-improve ang acting niya, ha? Kaya maloloka na naman ang mga taga-ABS-CBN diyan at kakalkalin ko na naman sila kung ano ang takbo ng kuwento nito.

BALIK-TRABAHO NA ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera pagkatapos ng ilang araw na bakasyon nila sa Cambodia nu’ng nakaraang Semana Santa.

Nag-enjoy raw ang dalawa dahil mala-cultural trip daw ‘yun gawa ng ang ganda raw ng kultura ng Cambodia. Kilala pa sila roon dahil pinapalabas pala roon ang Dyesebel at katatapos lang daw ng Marimar.

Dapat ay magtsa-China sila pero nagkaproblema sa visa kaya sa Cambodia ang tuloy nila. Iyon daw ang gusto nilang gawin kapag magbabakasyon sila. Gusto nilang subukan ang mga lugar na ‘di pa nila napupuntahan.

Tanong ng karamihan, ano na ba talaga ang drama ngayon ng dalawa? Sa kasalan na nga ba ang kahahantungan?

Ayaw naman nilang magpaka-pressure, pero sabi nga ni Marian, wala na silang pressure at nakikita naman daw kung gaano siya kamahal ni Dingdong kaya wala na ‘yung selos-selos at masaya na sila sa relasyon nila ngayon.]

Kung may plano man sila ngayong taon, malalaman din daw ng lahat  dahil hindi nila ito itatago.

HANGGANG NGAYON pala namumuroblema si Amy Perez sa annulment case nito sa dating asawa niyang si Brix Ferraris.

Pagkatapos itong ibinasura ng Supreme Court, wala nang linaw kung maaayos pa ba nila ito lalo na’t hindi naman nagpaparamdam itong Brix.

Ilang taon na raw na hindi ito nagpapakita o kahit komunikasyon man lang sa anak nila ni Amy, kaya wala nga raw silang kaide-ideya kung buhay pa ba ito.

Baka nga may ibang asawa na rin ‘yun. Pero si Amy ay walang magawa kundi hintayin na matapos itong annulment case nila para makapagplano naman siya sa relasyon nila ni Carlo Castillo.

May isang anak na rin si Amy rito kay Carlo at gusto na sana nilang sundan ng isa pa. Pero sana makapagpakasal naman daw sana silang dalawa. Hindi lang nila magagawa ito dahil technically, kasal pa rin sila ni Brix.

Gusto sanang maayos ito ni Amy dahil sabi nga raw niya, nag-hu-host siya ng Face to Face na minsan ay nakakatagpo ng mga ganu’ng problema, pagkatapos ang sarili niyang isyu o problema hindi niya maaayos.

Kaya idinadaan na raw niya sa dasal na sana matapos itong problema ng annulment nila ni Brix, para maayos na raw itong sa kanila ni Carlo, dahil hangad naman daw niyang mabuo na ang pamilya nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 50 April 11 – 12, 2012 Out Now!
Next articleCollectors ng DILG at Salvaging sa Maynila

No posts to display