Secretly married na aktor, humihiling sa gay benefactor na makabalik sa showbiz!

MAY OFFER PALA ang channel 5 kay German Moreno para sa isang show pero mukhang hindi mangyayari. Hindi iiwanan ni Kuya Germs ang GMA-7 dahil nga kilalang-kilala niya ang salitang loyalty.

Malamang din na mangyari ang pagbabalik ng That’s Entertainment sa QTV11, dahil nga inoperan din siya.

“May offer ang Singko pero malabo dahil nga hangga’t nandiyan sa channel 5 ang tao na naging dahilan kumbakit  nawala ang mga shows ko sa GMA-7. Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yon. Natatakot ako na gawin uli sa akin,” pahayag ni Kuya Germs.

“Okey na ako rito, ‘yung show ko naman number one at primetime sa abroad. Kaya masaya na rin ako.”

Masaya ngayon si Kuya Germs dahil nga unti-unting nakikilala na ang kanyang mga alaga.

Isa sa mga bida ang kanyang alaga na si Jhake Vargas sa teen drama na First time.

“Nararamdaman ko na magiging hit ang show. Ito na ang simula ng pagbabago ng trend. Para din itong That’s Entertainment na mga bata ang mga bida,” dagdag pa niya.

BLIND ITEM: ISANG aktor ang nagpakasal kamakailan lang sa Bulacan sa isang non-showbiz girl. At siyempre, hindi ito napag-usapan dahil nga inilihim ito ng aktor. Gusto kasi niyang bumalik sa pagiging aktibo, pero mukhang hangang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa kanyang career. Kahit may mga ugong na tsika na ang manager niya ay mga malalakas ang connection sa showbiz.

Pero mukhang napurnada ang lahat dahil nga nabuking yata ng mga bago niyang manager na hanggang ngayon ay may ugnayan pa rin siya sa dating bading na nagmahal sa kanya ng sobra.

Hanggang ngayon kasi ay nagti-text pa rin ang aktor sa dating karelasyon at kabuntot nito ang mga hinihiling na pangangailangan.

O, ano? Nakilala n’yo na ba kung sino itong bida natin?

Abangan ang mga shows sa telebisyon. At ‘pag nakita na natin na sobrang dami ng project ng aktor, isa lang ang masasabi natin, tinotoo nga ang pramis.

CLUE: Sexy pa rin naman ito.

Winner din siya sa isang pakontes sa TV.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.