Secretary ni Roberto Ongpin, Pinapaaresto ni Sen. Osmeña

NAGBANTA KAHAPON SI SEN. Serge Osmeña III na kanyang ipapaaresto si Josephine Manalo, ang long-time secretary ng kontrobersiyal na negosyanteng si Roberto Ongpin, sakaling muli itong mabigo na humarap sa pagsisiyasat kaugnay sa multi-million dollar behest loan.

Si Manalo ang itinuturong authorized representative ng negosyante at siyang pumirma sa $90-million loan mula Development Bank of the Philippines (DBP).

Una na ring itinanggi ni Ongpin na pag-aari nito ang kumpanyang Global Air Services (GAS) na nakakuka ng malaking pautang sa DBP para sa pagbili ng Metro Rail Transit (MRT) system.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kahapon, sinabi ni Ongpin na hindi “behest” ang naturang loan at wala umano itong padrino tulad ng pagsasabing kapit ito ng dating Unang Ginoo Mike Arroyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.