Blind Item Secretary ng TV host, nanggoyo ng baguhang singer

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloka kayo dahil itong secretary ng pangmadaling-araw na TV host ay nag-iinarte. Ha! Ha! Ha! Nag-request pala itong secretary ni TV host sa isang baguhang singer ng lechon kapalit ng pangako na ige-guest niya ito sa programa ng pangmadaling araw na TV host. Ha! Ha! Ha!

Ang nakakaloka, matapos maibigay lahat ni baguhang singer ang request ni secretary ay hindi na ito nagpakita at nagtatago na. Nakakaloka, ha! Dagdag pa ng aking Parazzi Girl, ito palang si baguhang singer ay dumiretso na sa pinakamataas na may hawak ng istasyon dahil may kakilala pala ito. Naku, nakakaloka, ha! Ngayon, sa ginagawa ni secretary na may initial na CR, pati si TV host ay walang mukha na maipakita sa baguhang singer.

O, nahulaan n’yo na kung sino ito? Nakakaloka, ha! Kilala rin ang secretary na ‘yan lalo na ang TV host. ‘Yun na!

by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Blind Item Secretary ng TV host, nanggoyo ng baguhang singer

Leave a Reply

Your email address will not be published.