SECRET WEDDING DAW: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, kinasal na nga ba?

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

PINAG-USAPAN noong isang araw ang kasalan daw ng dalawang sikat na showbiz celebrities na diumano ay mga sikat na aktor at aktres.

Ang tsika, sa isang simbahan sa Quezon City isinagawa ang pag-iisang dibdib pero kung may kasalan man nagaganap noong isang araw ay parang magiisip ka at pagdududahan mo ang “balita”.

Sa showbiz pa na sa bawat pag-utot at pagdighay ng mga artista ay nagla-land kaagad sa social media, parang hoax ang balitang kasalan ng dalawang sikat na personalities. Halos lahat ng Pinoy ay may hawak ng kamera at tila naduda-dudang nakaligtas sila sa mata ng mga miron.

Kutob ng ilan, nakasahog sina John Lloyd Cruz at ang girlfriend niya na si Ellen Adarna na sa kasikatan at pagiging hot topic ng dalawa ay imposible na makaligtas ito sa mata ng mga na mahilig sa usaping showbiz.

Granting na very exclusive ang naganap na kasalan, wala bang ibang sources na mapagkunan ng impormasyon sa nagpapakalat ng pahulaan?

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

Sa pagkakaalam ko, ang simbahan ay hindi sa biglang kasalan na walang paghahanda.

All couples na ikakasal sa simbahan need to undergo pre-nuptial seminar at kung anik-anik pa.

Kung biglaan ang kasalan, saan galing ang marriage certificate or something that they are allowed to get married?

Bukod kina Lloydie at Ellen na pinagsususpetstahan na nagpakasal din sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “SECRET WEDDING DAW: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, kinasal na nga ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.