Sec. Roxas, pinagbibitiw ni Sen. Bong

HINAMON NI Sen. Bong Revilla Jr. si Secretary Mar Roxas na magbitiw na sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ikinatuwiran ng mambabatas ang aniya’y pagiging “ineffective” ng kalihim sa crisis management at disaster response, partikular nang manalasa ang supertyphoon Yolanda.

Idagdag pa aniya ang mga kapalpakan nito noong kalihim pa ng Department of Transportation and Communications (DOTC), bukod pa sa nakabinbin pa ring kaso ng Atimonan massacre.

“Saksi hindi lang ang buong bansa, kundi ang buong mundo, sa kanyang mga kapalpakan. Hanggang ngayon, damang-dama pa rin ng mga Pilipino ang bunga ng kanyang mga pagkukulang.”

“Sa dami ng atraso niya, dapat mag-resign na siya.”

Una nang inihayag ng senador na posibleng si Roxas din ang nasa likod ng pagtestigo ni dating Technology Resource Center (TRC) General Manager Dennis Cunanan sa PDAF scandal para idiin siya at iba pang kapwa-mambabatas. Hinala ni Revilla, si “Boy Pickup” na una na niyang tinukoy bilang si Roxas ang kumuha kay Cunanan.

Ayon pa kay Roxas, naaawa siya sa kaibigan. Mas mabuti aniyang harapin na lamang nito ang kaso na nangyayari sa totoong buhay, hindi lang sa pelikula.

Una nang iginiit ng nasabing abogado na kabilang si Revilla sa mga senador na nanggipit sa kanya hinggil sa PDAF projects sa mga organisasyon ng binansagang reyna ng pork barrel fund scandal na si Janet Lim-Napoles.

Samantala, wala pa namang petsa kung kailan ipagpapatuloy ang PDAF scam hearing sa Senado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.