Sec. Robredo, 2 beses sinalubong ng bomba sa Cotabato

DALAWANG PAGSABOG ANG sumalubong kay Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo sa Cotabato City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagsabog sa kahabaan ng Sinsuat Ave. sa harapan ng Notre Dame Hospital kahapon ng alas-12:10 at alas-12:15 ng tanghali.

Sinasabing kalalagpas pa lamang ng convoy ng kalihim nang yanigin ang lugar.

Dadalo sana si Robredo sa forum para sa mga hihiranging officers-in-charge sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Tiniyak naman ni  Cotabato City police director Sr.Supt. Roberto Badian na isolated ang insidente habang hindi umano si Robredo ang target ng nasabing pagsabog. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.