Sec. Paje Isinusuka Na, Kapit-Tuko Pa Rin

 

ISA SI Sec. Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga kalihim ng administrasyong Aquino na itinuturing na may makapal na mukha na kasintigas ng adobe dahil hindi siya kayang tablan ng hiya.

Mantakin n’yo, parekoy, limang beses na palang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kanyang nominasyon pero hayun at kapit-tuko pa rin siya sa kanyang posisyon.

Ibig sabihin, ayaw siyang ikumpirma ng CA para maging permanenteng kalihim ng DENR.

At ibig sabihin din nito, walang katiwa-tiwala at walang kabilib-bilib sa kanya ang mga mambabatas na bumubuo sa CA sa kanyang kakayahan at magagawa sa ahensiya.

Eh ‘yun nga, tama lang talaga ang CA na huwag ikumpirma si Salbahe… este, Sec. Paje ‘pagkat pulos pangwawalang-hiya lang ang nangyari sa ating kalikasan at kapaligiran simula nang siya ang iluklok ni Pangulong Aquino sa DENR.

Kung tutuusin, napakabait pa nga ng mga miyembro ng CA kay Paje dahil hindi agad nire-reject ang kanyang nominasyon.

Kasi naman, hinihintay siya ng CA na matuto namang makiramdam at kusa nang mag-resign para hindi siya lalong lumabas na kahiya-hiya sa madlang pipol.

Kaya lang, may kasabihan nga… ang makapal ang mukha ay sadyang makapal ang mukha!

Nagdadrama pa siyang hanggang may tiwala raw sa kanya si Pangulong Aquino ay hindi siya magre-resign kahit ilang beses pa siya ibasura ng CA.

Tangna, parekoy! Kapalmuks talaga! ‘Sintatag ng semento, ‘sintibay ng adobe!

‘Ika nga, tibay ng dibdib, tatag ng tuhod, kapal ng mukha… puhunan sa pagtaba! Hak, hak, hak!

Mahal na Pangulong Aquino, sana bago ang inyong SONA ay pakitadyakan na sa kanyang puwesto ‘yang si Paje.

Paano n’yo ipagyayabang sa amin na gumaganda ang inyong adminsitrasyon eh, sa mga patakaran pa lamang ng pagmimina o pagbubungkal ng likas na yaman ng mahal nating bayan eh, kay dami nang sablay?

Pinababayaan ni Paje ang mga dayuhang nagmimina na wasakin ang ating mga kabundukan at kalbuhin ang mga kagubatan dahil lamang sa maliit na kita.

Sinasabotahe ho kayo ni Paje dahil ang anumang kasiraan sa DENR ay kasiraan n’yo na rin!

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.