Sec. Mamba, Ligtas sa Ambus

NAKALIGTAS SA ambus si Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Sec. Manuel Mamba makaraang paulanan ng bala ang convoy nito kamakailan sa highway ng Alcala, Cagayan.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang na nasa ligtas na kalagayan si Sec. Mamba at wala namang tama sa ginawang pana¬nambang sa convoy nito bandang alas-3:00 ng hapon kamakailan sa Alcala, Cagayan.

Aniya, ang kalihim ay nasa Tuguerarao, Cagayan at nagpapahinga habang inaalam pa ng mga awtoridad ang pangyayari upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pananambang kay Mamba.

Nasa 18 tama ang tinamo ng sasakyan ng lead car sa convoy ni Mamba habang ang PLLO chief naman ay nakasakay sa bullet-proof na sasakyan na pag-aari ng kanyang kapatid na si Willian na tumatakbong gobernador ng Cagayan sa ilalim ng Liberal Party.

Samantala, ang kalaban ng kapatid ni Mamba ay si Cagayan Gov. Alvaro Antonio ng United Nationalist Alliance (UNA). Si Gov. Antonio ang pambato ni Senate President Juan Ponce Enrile bilang gobernador ng Cagayan habang ang kapatid ni Sec. Mamba ay 3-termer mayor ng bayan ng Tuao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.