Sec.Llamas ‘di na lisensyadong magdala ng armas

BINAWI NG PHILIPPINE National Police (PNP) ang Permit To Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) na naunang ipinagkaloob kay Presidential Political Adviser Ronald Llamas para AK-47.

Ayon sa PNP Spokesperson Chief Superintendent Agremiro Cruz Jr. anumang oras mula kahapon ay kanila nang inaasahan ang pagsusuli ng AK-47 ni Llamas sa tanggapan ng Quezon City Police District (QCPD) kaugnay na rin sa pagpapatuloy na isinasagawang imbestigasyon ngayon.

Habang sinampahan naman ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1866 o Obstruction of Justice ang apat (4) na security aide ni Llamas, kung saan ang dalawa sa mga ito na kinilalang sina Joey Tecson at John Alarcon ay nauna nang sinampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms.

Matatandaang naaksidente ang sasakyan ni Secretary Llamas sa

bahagi ng Quezon City nitong nakalipas na September 30.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.