SEC. LIM HINDI NA KAILANGAN NI “BOSS”

TINAMAAN NG TINATAWAG na delicadeza si Department of Tourism undersecretary Vicente Romano kaya kaagad itong nag-resign sa tungkulin.

‘Yan ay matapos sumambulat ang kapalpakan sa bagong “slogan” na ipinalit nila sa “Wow Philippines.”

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang “Pilipinas Kay Ganda” na diumano ay si Romano ang utak.

Sa totoo lang, isang kahanga-hangang bagay ang ginawang ito ni Usec. Romano.

Na matapos sumambulat ang kapalpakan ay agad na nag-resign sa tungkulin bilang pag-amin sa naganap na insidente.

Ang hindi lang natin kayang tanggapin ay ang salitang “command responsibility” na siya umanong dahilan sa nasabing resignation ni Usec. Romano.

Bakit? Aba eh, alam naman kahit ng isang elementary pupil na ang pinakamataas na opisyal o pinuno ng isang Departamento ay ang Secretary at hindi ang Usec.

Ibig sabihin, kung ang pag-uusapan ay doktrina ng “command responsibility”, dapat si Secretary Alberto Lim ang nag-resign at hindi si Usec. Romano!

Kaya nga bilib tayo, parekoy, sa “kapal ng mukha” nitong si Tourism Secretary Alberto Lim.

Bukod sa hindi marunong ng tinatawag na delicadeza, “kapalmuks” pa.

Mantakin mo, parekoy, nagsakripisyo na nga si Usec. Romano… na gaya ng isang “maamong tupa” ay siya na ang umamin sa mga kasalanang hindi naman siya dapat ang nagdurusa ay nagawa pang idiin ng lintek na Lim!

Nagpalabas pa kasi ng pahayag itong si DoT Sec. Lim na hindi niya raw alam ang paggasta ng 4.8 milyong piso para sa launching ng nasabing Pilipinas Kay Ganda.

At diumano ay sinabihan na niya si Usec. Romano na huwag nang ituloy ang nasabing proyekto pero itinuloy pa nito!!!

Lintek na pahayag mong ‘yan, Sec. Lim, ‘di ba noong simula pa lang ay halos magkandabukol ‘yang nguso mo sa kasasabing walang ginastos ang departamento kahit singko sentimos sa nasabing proyekto?

Kaya nga ang lakas ng loob mong magsalita na kung sakaling hindi magustuhan ay wala pa namang “harm” sa pamahalaan dahil ideya pa lang ito at wala pang gastos ang pamahalaan?

Tapos halos limang milyon na pala ang gastos!

Ibig sabihin Secretary Lim, kung hindi mo alam iyang gastos na ‘yan ay “bobo” ka!

Dahil nagkagastos ng ganyan kalaki ang iyong departamento nang hindi mo alam.

Pero kung alam mo naman ang gastos na ‘yan ay sinungaling ka!

Kaya alinman sa dalawa… “bobo” o “sinungaling” ay wala ka nang moral ascendancy na manatili pa sa iyong posisyon.

At kung naniniwala ka kay P-Noy na kaming taumbayan ang “Boss” ninyo…

Ngayon pa lang ay inuutusan ka na ng “Boss” mo na…

Lumayas ka na d’yan!!!

Hindi na kailangan ng iyong “Boss” ang iyong palpak na serbisyo!

NOW na!!!

INAANYAYAHAN ko po kayong makinig sa aking programa sa radyo tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa DZME 1530kHz (dulong-kanan sa inyong talapihitan).

Ang programa ng inyong lingkod “ALARMA Kinse Treynta” ay maari din po ninyong mapanood sa internet sa ganu’n ding oras. Mag-log-on lamang sa www.dzme1530.com

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.