Sec. Carandang, Nagbitiw na

NAGBITIW NA si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ricky Carandang.

Ito ay kinumpirma ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda kahapon, kasabay ng pahayag na tinanggap na ito ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Gayunman ay tumanggi itong magbigay ng detalye kung ano ang dahilan ng pag-alis sa puwesto ng kalihim.

Ikinagulat din ni Lacierda ang ulat na umano’y nagbitiw na rin siya at si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Nagpasalamat na rin aniya ang punong ehekutibo sa serbisyo ni Carandang.

Hindi pa masabi ng Malacañang ang dahilan ng PCDSPO chief sa pagbibitiw pero ani Lacierda, nais nitong bumalik sa pribadong sektor.

Epektibo naman ang pagbibitiw ng miyembro ng gabinete sa Disyembre 31.

Una rito, noong nakaraang linggo pa umiikot ang balitang nag-resign si Carandang dahil daw sa ilang beses na ipinahiya at napapagalitan ni Pangulong Aquino, bagay na pinabulaanan muna ng Palasyo.

Sa pag-alis ni Carandang, si Usec. Manolo Quezon na ang senior official ng PCDSPO.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.