Search and Retrieval OPS, tapos na Labi ng Nepalese pilot, nakuha na

 

NATAGPUAN NA rin ang bangkay ng Nepalese pilot na kasama ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa bumagsak na eroplano sa Masbate.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin na alas-7:45 ng umaga kahapon nang makitang lumulutang ang bangkay ng co-pilot na si Kshitiz Chand malapit sa crash site sa karagatan.

“’Yung body nakita nu’ng MV Cooperative na lulutang-lutang so hinila niya, nilapit sa grand boat ng Navy na nagko-conduct ng search saka nireport sa ‘tin,” ani ng kalihim.

Kinilala mismo ang labi ng ama nitong si Tek Chand saka dinala sa La Funeraria Eternas.

Sinabi ng ama ng biktima na isa’t kalahating taon na sa Pilipinas si Kshitiz at pangarap talaga nitong magpalipad ng eroplano.

Dahil sa pagkakuha ng huling bangkay, tinapos na ng Task Force Kalihim ang search and retrieval operations.

Nabanggit din ni Gazmin na naipaalam na kay Pangulong Noynoy Aquino ang nangyari.

Sisimulan naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagsisiyasat sa nasabing insidente, dagdag pa ng kalihim.

Nagpasalamat din ang mga opisyal ng Task Force Kalihim sa lahat ng foreign at local divers na tumulong para sa kanilang search and rescue at retrieval operations sa loob ng halos limang araw.

Una nang narekober ang labi ni Sec. Robredo noong Martes, samantalang kamakalawa naman naiahon ang katawan ng pilotong si Jessup Bahinting.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.