Seaman na BPAT, Inutas sa Harap ng Anak

SUMAMBULAT ANG bao ng ulo ng isang seaman at miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) makaraang pagbabarilin ng isang Muslim sa loob ng kanilang karinderia sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kaagad na namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Tommy Sta. Maria, 51, seaman, miyembro ng BPAT, at kasalukuyan naninirahan sa Block 5, Lot 2, Champaca St., Brgy. 177 Maligaya, ng nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng Caloocan PNP laban sa suspek na nakilalang si Amad Jarajil, nasa hustong gulang, at residente ng Santan St., Maligaya, Caloocan City.

Base sa ipinarating na ulat ni PO1 Mark Andrew Bartolome sa tanggapan ni Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Santos, bandang alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa biktima sa loob ng Sta. Maria Eatery sa nasabing lugar.

Nakasaad sa ulat ni PO1 Bartolome, kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa kanyang anak na si Jennevieve, 25, sa loob ng kanilang karinderya nang biglang dumating ang suspek na si Jarajil na armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Sa puntong ito at sa hindi nabatid na dahilan ay walang sabi-sabing pinutukan ang biktima sa ulo at hindi pa nasiyahan ay pinagbabaril ng ilang ulit ang biktima sa katawan bago ito mabilis na tumakas.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng nasabing himpilan ng pulisya ang motibo ng pamamaril at sa posibleng ikadarakip ng suspek sa lalong madaling panahon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.