SC, inutos na ang pamamahagi ng Hacienda Luisita

MATAPOS ANG ILANG taong labanan sa korte, ipinag-utos na ng Korte Suprema na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain sa Hacienda Luisita.

Kabuuang 14 na mga mahistrado ang bumoto ng pabor sa mga magsasaka habang hindi lumahok sa botohan si Associate Justice Antonio Carpio.

Sa 56-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Presbitero Velasco, pinagbabayad nito ang Hacienda Luisita ng P1.3 bilyon sa mahigit 6,000 magsasaka.

Binago rin ng Supreme Court (SC) ang nauna nitong desisyon noong Hulyo kung saan pinapipili ang mga magsasaka kung gusto nila ng lupa o shares of stocks.

Ang Hacienda Luisita ay pagmamay-ari ng pamilya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Matatandaang pitong magsasaka ng Hacienda Luisita ang namatay noong 2004 matapos na maki-paglaban sa mga kinauukulan.

Labis namang ikinatuwa ng ilang militanteng grupo ang naging desisyon ng kor-te na ipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Malaking tagumpay para sa mga benipisyaryo ng Hacienda Luisita at lahat ng magsasaka sa Pilipinas ang ginawang pagpabor ng Supreme Court (SC) sa nasabing kaso, ayon kay Akbayan national chairperson Benser Crisostomo.

Binati naman ni Crisostomo ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita na matapos ang napakahabang panahon ng pakiki-paglaban, mapapasakamay na nila ang lupang matagal na nilang sinasaka.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.