Schools on Wheels, Inilunsad sa Navotas

INILUNSAD KAMAKAILAN ng pamahalaan lokal ng Navotas City ang dalawang alternatibong programang pang-edukasyon para sa mga mamamayan ng lungsod na tinawag na “Computer Outreach Learning” or COOL and Kindergarten on Wheels or KOW.

Ang nasabing programa ay hindi lamang pagsuporta sa sektor ng edukasyon kundi para rin sa Bagong Henerasyon Party-list na layunin nitong mabigyan ang Navoteños ng alternatibong lugar para sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman na kanilan matutunan.

“These programs aim to give our constituents a head start in their education and career,” ani pa ni Navotas Mayor John Reynald M. Tiangco kamakailan nang makatanggap ng pagkilala mula sa Department of Education, dahil sa patuloy na pagsuporta sa programa ng nasabing tanggapan ang ‘Adopt-a-School Program’.

“These will also serve as alternative activities for our youth during their free time after regular schooling and help advocate a drug-free city,” dagdag pa ng alkalde.

Sa kasalukuyan, mayroong 4 na COOL mobile at 4 na KOW na kung saan nakahanda na ring mag-ikot sa 14 na barangay ng naturang lungsod.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.