School Supervisor, Dedbol; Guro, Sugatan sa Banggaan

DEAD ON arrival ang isang school district supervisor makaraang makabanggaan ang isang public school teacher sa Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na si Herminio Samonte, 56, school district supervisor na residente ng Barangay Sooc sa bayan ng Lupi.

Base sa impormasyon alas-6:45 kamakalawa ng gabi, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bolo Norte sa Sipocot habang minamaneho ang kanyang motorsiklo nang makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo.

Minamaneho naman ito ng isang Rogelio Valencia, 49, isang public school teacher at residente ng nabanggit na lugar.

Kapwa naman nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga katawan ang mga ito na agad na dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang school district supervisor.

Samantala, nananatili pa rin sa pagamutan ang guro habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat  ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.