School Records, Apektado Rin kay Yolanda

BUKOD SA nawasak na mga gusali, mga nasawi o nasugatang empleyado at pagkaantala ng klase, malaking problema rin ng Department of Education (DepEd) ang pagrekober sa school records na nasira nang umatake ang bagyong Yolanda.

Aminado si Education Assistant Secretary Reynaldo D. Laguda na matindi ang pinsalang idinulot ng nasabing super typhoon sa pasilidad at gamit ng DepEd at dapat paspas ang gagawin nila para marekober ang school records.
“Restoring and preserving records is just as important as providing education. The most affected group here are graduating students,” ayon kay Laguda.

Aniya, malaking tulong ang apatnapung tablet na donasyon ng Turkish Cooperation and Coordination Agency (TIKA) na gagamitin sa dokumentasyon.

“This assistance from TIKA would surely help speed up the process in bringing back normalcy to the students’ school calendar and would eventually sustain our schools in the prevention of the same problem in file storage for similar disasters in the future,” dagdag pa ni Laguda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.