School Principal, Inirereklamo ng Sariling Mga Guro

PATUNG-PATONG NA ka-so ang haharapin ngayon ng isang school principal makaraang maghain ng reklamo laban sa kanya ang isa niyang teacher at mga kasama sa Civil Service Commision.

Ang nahaharap sa iba’t ibang kaso ay si Armeil D. Aro, School Principal III (salary grade 21) ng Karuhatan National High School sa Pacencia St., Don Pedro  Village, Marulas Valenzuela City habang ang nagreklamo laban sa nasabing principal ay sa pangungna ni Gloria C. Tejada, guro sa naturang paaralan.

Ang mga kasong inihain laban kay Aro sa Civil Service Commision ay ang mga sumusunod: Dishonesty, Misconduct, Oppression, Gross Neglect of Duty, Conduct Prejucial to the Best Interest of Service at mga paglabag sa Sec. 10, RA No. 4670 (Magna Carta for Public School Teacher), Sec. 3(a), RA. No. 3019 (Anti_Graft and Corrupt Practices Act) at R.A. No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees).

Napag-alamang nag-ugat ang sigalot sa pagitan ng grupo ni Tejada at Aro nang mapili ang nabanggit na guro sa isang School Selection Committee bilang isang master teacher, subalit hindi pumabor ang nasabing principal bagkus ang pinili nito ay ang kanyang pinapaborang teacher kung saan si Tajada ay may sampung puntos na kalamangan sa ginanap na selection dahilan upang si Tejada at mga kagrupo ay nagsampa ng reklamo laban sa principal.

Napag-alaman pa, sapilitan umanong nagpapirma si Aro sa mga kapanalig nitong guro para palabasin gusto ng ibang guro ang kanyang pamamalakad at ang hindi lu-

magda ay itinuturing niyang kaaway.

Ang mga guro na lumalaban umano sa patakaran ng principal ay inaalisin ng upuan dahilan para hindi makapagturo nang mabuti ang mga guro sa kanilang mga estudyante.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.